Ito’y matapos pagpasa-pasahan ng mga miyembro ng konseho
kahapon sa sesyon si Golden Arches Executive Vice President and CFO Romeo
Bachoco, tungkol sa mga katanungan at mga isyung bumabalot sa pag-operate ng nasabing
fastfood chain dito.
Ilan sa mga sinabi at nilinaw ni Bachoco kahapon ay ang
tungkol sa isyung umano’y makakaapekto sa mga kahalintulad na negosyo ang
kanilang paglalagay ng McDonald’s sa Boracay, partikular ang mga maliliit na
restorant ng mga Malaynon at Boracaynon.
Ayon kay Bachoco, hindi dapat na ikabahala ng lokal na
pamahalaan ng Malay ang bagay na ito, dahil ang presyong gagamitin nila para sa
isla ay nasa standard naman, upang maging patas sa iba.
Lalo pang nakumbinsi ang konseho nang sabihin ni Bachoco na
susunod naman sila sa sinasabi ng ordinansa ng Malay, na dapat ang mga
magtatrabaho sa kanila ay nasa animnapung
porsiyentong manggaling sa lokalidad ng bayang ito.
Tiniyak din nitong sa mga isyung pangkapaligiran ay nakahanda
silang makiisa sa LGU, lalo na sa kampanya laban sa paggamit ng plastic o
styropor sa isla.
Kanya ding sinalungat ang pananaw ng ilang SB Member na
magiging pangit ang impresyon ng mga tao sa pagiging “World’s Best Island” ang
Boracay, dahil sa McDo.
Dahil sa mga nailatag na ito ni Bachoco, ay kapansin-pansing
kumbinsido na ang mga taga konseho, at hindi na pinatagal pa ang
pag-iimbistiga.
Matatandaang umalma ang SB Malay nang mabatid na papasok ang
McDo sa Boracay, na hindi nila nalalaman kung papaano, at kung bakit ito nabigyan
ng basbas ng alkalde ng Malay na makapag-operate. | md102012
No comments:
Post a Comment