Nilinaw ni Atty. Ian Lee Ananoria, Comelec Supervisor ng Aklan,
na sa ngayon ay free muna ang mga pulitiko ngayon hanggang sa sumapit ang araw ng
eleksiyon period sa darating na Enero ng 2013.
Kaya sa ngayon, nakatutok aniya muna sila sa filling of
Candidacy at Registration kapag matapos na ang iskedyul ng paghahain ng CoC.
Simula sa Lunes ay balik sa pagtanggap ng magpaparehistro ang
komisyon.
Bunsod nito, umapela ang Election Supervisor sa mga lihitimong
botante na nais magparehistro na mag-rehistro na sa kanilang mga Comelec Offices
sa mga bayan sa Lunes at huwag nang hintayin pa ang deadline.
Bagay na pina-alalahanan ni Anonaria ang mga ito na hanggang
ika-31 ng Oktubre lamang ang registration.
Samantala, bagamat sinabi nito na may petsa talagang itinalaga
para sa mga bontanteng Pulis at miyembro ng Armed Forces sa Aklan o mas kilala sa
tawag na “absentee voting”.
Pero sa kasalukyan, hindi pa umano nito malaman sa ngayon
kung kaylan ang schedule sa Aklan at hindi rin nito masabi kung may “absentee
voting” din para sa mga mamamahayag o mga miyembro ng media. | ecm102012
No comments:
Post a Comment