Pero kapansin-pansin umano na sa halip na ang mga korales,
ay nauna pang tumubo ang mga lumot sa buds, ayon kay kay Felix Jan Balquin,
Marine Biologist ng Malay Municipal Agricultures Office (MAO) ng silipin nila
ang artificial reefs dito.
Kaya kapag ganito aniya ang sitwasyon, posible tumubo pa ang
mga korales gayong nauna na doon ang mga lumot.
Samantala, bagamat kaunting pinsala lamang ang makita ng MAO
sa mahigit kumulang aminapu’t limang hektaryang nilatagan ng artificial reef.
Napansin din umano nila na ang mga isda doon ay hindi naman
dumami, kundi halos iyon lang ding dati ang mga isda na makikita sa area, at kahit
may buds na.
Hindi din umano matukoy nila ngayon kung ano talaga ang
sanhi kung bakit nabasag ang may dalawa hanggang tatlong pursiyento sa reef
buds na ito.
Maliban na lamang nang umamin aniya si Jojo Rodriquez ng
Sangkalikasan Cooperative sa konseho na sa paglagak palang nila ng buds sa
baybayin ng Boracay ay may problema at nasira na ang iba dala ng pag-transport.
Gayon pa man, nilinaw ni Balquin na hindi pa nila nalilibot
ang kabuoang area, ng magsagawa sila ng inspeksiyon sa area.
Ang reef buds ay proyekto na pinunduahan ni Sen. Loren
Legarda na nagkakahala ng limangpung milyong piso, para patubuan ng mga korales
at dumami ang mga isda.
Kung maaala, sa nakaraang session ay pinagpaliwanag si Jojo
Rodriquez ng Sangkalikasan sa SB kaugnay sa proyektong ito dahil
saikinababahala ito ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay na
posibleng magkaroon ito ng epekto sa front beach. #ecm102012
No comments:
Post a Comment