Iginiit ngayon ni Island Administrator Glenn Sacapaño na
kooperasyon ng mga bar owners ang kailangan sa istriktong implemenstayon ng bar
enclosure.
Ito’y matapos iparating sa kanya ng himpilang ito ang
pagkadismaya ng ilang turista nang mabitin sa pagpapa-party sa beach front station
1 hanggang hating-gabi.
Nagulat umano kasi ang mga ito nang pinatigil ng operator ng
bar ang musika kahit naroroon pa sila at gusto pa sanang magsaya.
Dahil dito muling iginiit ni Sacapaño na tungkolin na ng mga
bar operators na ipagbigay alam at ipaliwanag sa kanilang mga kustomer ang
tungkol sa nasabing batas.
Nilinaw din nito na paglagpas ng alas dose ng hatinggabi at
gusto mong bukas pa ang iyong bar, ay puwede naman basta’t wala nang
pagpapatugtog, at walang maiistorbo.
At kung gusto mong magpatugtog pa, ay kailangang naka
enclose o sarado na ang iyong bar.
Kaugnay pa rin nito, patuloy na naninindigan ang
administrador na susunod ang lahat ng mga bar operators sa isla, lalo pa’t
pirmado umano nila ang nakasaad sa nilalaman ng kasunduan sa nasabing bar
enclosure.
Maaalalang nitong umaga ay naibalita rin sa himpilang ito na
may ilang mga turistang taga Davao ang nadismaya nang ipinatigil ang kanilang
pagsasaya sa pinaniniwalaan nilang “party place” hanggang madaling araw na
isla.
No comments:
Post a Comment