Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi lamang si Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer
ng Malay, ang dismayado sa naging sitwasyon ng drainage at sewerages system sa
Boracay, kundi siya na rin umano mismo ay nahihiya na sa kalagayang ito para sa
isla.
Ito ay dahil tumagal ng umano ng ilan taon ang problemeng
ito at hanggang sa ngayon ay nagtuturuan pa rin kung sino ang dapat umakasiyon.
Sa totoo lang, aniya, siya bilang Municipal Health Officer ng
Malay at Boracay ay nakagawa na ng kaniyang mga rekomendasyon para masolusyun
ito.
Kaya naman bilang tugon nito sa balak ng Sangguniang Bayan
ng Malay na papaimbestigahan ang sulirain sa drainage at sewer system na siyang
matagal nang pinuproblema sa Boracay para mapanagot kung sino man ang may
responsibilidad sa problemang dinulot ng proyekotng ito.
Isa din ang tanggapan ng doktor sa plano ng SB na
mag-iimbestiga kasama ang municipal environmentalist.
Reaksiyon ni Salaver, ang Sanggunian umano ang mas
magkapangyairahan para sa pag-iimbestiga kapag pinatawag ang mga kumpaniyang
sangkot para usisain kaya nagtataka ito kung bakit sila pa.
Ngunit nilinaw nito na kapag nagkataon at sa kanila ibigay
ang pag-iimbestiga sa kanila, ay sino ba naman aniya ito para tumanggi kung
para naman sa pagbibigay solusyon sa problema ang layunin.
No comments:
Post a Comment