Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
“Ang bawal kasi ay bawal, lalo pa at may national law na
sumasaklaw dito”.
Ito ang mariing sinabi ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre,
Chairman ng Committee on Laws and Ordinances, batay sa panayam dito kahapon,
kaugnay sa balak ng Sanggunian na ipatupad ang batas ukol sa pagbibenta ng mga
pekeng items sa Boracay na kinabibilangan ng mga sunglasses, cell phone
accessories, DVDs at iba pa.
Sapagkat kung wala pa naman aniyang lokal na batas ang bayan
para dito, naririyan umano ang national laws na dapat ding ipatupad.
Paliwanag ni Aguirre, bawal talaga ang pagbinta ng peke lalo
pa at ito ay ginaya o pineke ang isang signature o original brand ng isang
produkto.
Kaya may karapatan naman anya ang may-ari ng pangalang o
brand na protektahan din ang kanilang kumpaniya, kaya mariin itong ipinababawal.
Lalo pa anya at mga pekeng items ito at dinadala pa ang
pangalan ng isang kumpaniya, kaya para maprotektahan ang kapakanan ng mga
mamimili at kumapniya nakasaad sa
Intellectual property Law ng bansa ang mga bagay na ito.
Matatandaang kahapon sa session ng konseho binuksan ni SB
Member Jonathan Cabrera at Aguirre ang usaping ito, dahil sa ang Boracay umano
ay “world tourist destination”, pero ang mga paninda dito karamihan ay mga peke
at inaalok pa sa mga turista, gayong sa batas ay klarong bawal ito.
No comments:
Post a Comment