YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 03, 2012

Mga party sa Semana Santa, ipapa-regulate na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ilang buwan nalang at Abril na kung saan ipinagdiriwang ng simbahang Katoliko ang Mahal na Araw.

Bagamat kapag mahal na araw ay maraming turista sa Boracay lalo pa at summer season, inaasahang din kaliwa’t kanan ang kasiyahan o party.

Bagay na ngayon palang ay pinaghahandaan na ang pagnanais na maisabatas ang pag-regulate sa pagkakaroon ng Party, ano mang aktibidad o kasiyahan sa loob ng bayan ng Malay partikular na sa Boracay pagsapit ng Good Friday o Biyernes Santo sa Mahal na Araw.

Ito ay upang bigyang daan ang pagninilay-nilay ng mga katoliko.

Dahil dito para lubusan nang maisabatas, isinulong ngayon ni Sangguniang Bayan Member Esel Flores sa konseho ang ordinansa kaugnay sa regulasyon ng mga kasiyahan o party pagsapit ng Biyernes Santo.

Subalit ang usaping ito ay hindi pa aprobado ng konseho at nakatakda palang pang-usapan at dinggin.

Matatandaang, nitong taon ng 2011 pa pinag-uusapan ang ukol dito subalit ngayon 2012 palang ito isinulong para gawing ordinansa. 

No comments:

Post a Comment