Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nilinaw ni Atty. Helen Catablas OIC Regional Director ng Department of Tourism Region 6 na wala pang pormal na deklarasyon na nagsasabi at kinikilala na ang isla ng Boracay bilang “Party Place” ng Pilipinas dahil sa kaliwat kanang party at maraming establishementong nakakapag-bigay aliw sa mga turista, gaya ng disco bar at kung ano pa.
Ito ay sa kabila ng isinusulong ng mga stakeholders sa isla na maging “family oriented tourist destination” ang Boracay.
Subalit ayon kay Atty. Catalban, sa ngayon ay wala pang pormal diklarasyon at tila hindi naman aniya siguro ito kukontratahin ng publiko at stakeholders sa isla sapagkat nakita naman at isang katangian na kasama sa pag Market o pagbebenta sa turismo ng Boracay sa mga dayuhan ang pagiging party place ng isla.
Pero magkaganon man napanatili pa ring at may ibang bahagi umano ng isla ay “family oriented tourist destination” pa rin.
Ang pahayag na ito ni Catalblan ay inihayag kahapon sa panayam ng himpilang ito, ukol sa lumabas ngayong balita na di umano ay binigyan ng panibagong bansag ang Boracay mula sa isinusulong na Family Oriented Tourist Destination ay naging Party Place na ito g Pilipinas sa ngayon.
No comments:
Post a Comment