YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, February 05, 2012

Boracay, sisikip sa pagdating 500 e-trikes


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Umaasa ang BLTMPC o Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative na hindi hahayaan ng lokal na pamahalaan ng Malay partikular ng Sangguniang Bayan na maipasok ng sabay-sabay ang limang daang unit ng e-trike sa isla.

Ito ay kasunod ng pahayag ni SB Member Dante Pagsugiron na balak na ngayon taon ng 2012 ng Department of Energy (DoE) na ipasok ang ipanangako at nilaang e-trike para sa Boracay.

Subalit ayon kay Ryan Tubi ng BLTMPC, umaasa sila na hindi ito bibiglain na LGU, gayong alam naman umano ng lahat na marami na ang sasakyan sa isla at baka lalo pang sumikip ang kalsada sa Boracay.

Dahil dito, kung matuloy man ang 500 unit ng e-trike, hiling ni Tubi na sana ay isipin muna ng kinauukulan kung ano ang gagawin sa mga tricycle mayroon ngayon sa Boracay, bago ipasok ang mga electric tricycle na ito.

Samantala, kaugnay sa usaping ito, batid naman umano ng kooperatiba ang balak na ito ng DoE, lalo na magbibigay dalawangpung unit para sa Boracay, kung saan sampu dito ay para sa BLTMPC at sampu ay para sa SB at ngayong taon ng 2012 ang launching.

Ngunit dahil sa tila hindi na aniya makapaghintay ang LGU, tinanggap na ang samgpung unit ng e-trike na naririto ngayon sa isla, pero hindi umano ito ang ipinangako ng DoE, sa halip ay mula ito sa ibang supplier.

No comments:

Post a Comment