Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Isa sa naging laman ng State of the Province Address (SOPA) ni
Aklan Governor Carlito Marquez noong ika-walo ng Pebrero, ang ukol sa gumaganda
pang industriya ng Turismo ng Aklan lalo na ang pag-lago ng turismo ng Boracay.
Sa ulat ng gobernador, ikinatuwa umano nito ang pagtaas ng
bilang ng mga turista sa Boracay nitong nagdaang taon ng 2011, gayong din
tumaas ang kita ng Caticlan Jetty Port kasabay ng pagdami ng mga turistang ito.
Dahil dito, kumpiyansa ang nasabing gobernador na ngayong
2012 ay kakayanin nang maabot ang isang milyong tourist arrival para sa
Boracay.
Subalit sa SOPA nito, ipinaabot ni Marquez ang labis niyang pinanghihinayangan
sa pagpapatigil ng reklamasyon sa Caticlan, kung saan ito na sana aniya ang sulosyon
sa problemang kinakaharap ng mga turista, dahil sa kulang pa sa pasilidad at hindi
mabigyan ng maayos na serbisyo dahil sa li-lima lamang ang pantalan para sa mga
bangka.
Inihayag din ng nasabing gobernador, na ang turismo ang isa
sa malaking pinagkukunan ng kita ng probinsiya.
Samantala, nabatid na ngayong taon ng 2011 kumita ang
pantalan ng RORO sa Caticlan Jetty Port ng mahigit dalawangput apat na milyong
piso kumpara noong nagdaang taon ng 2010 na kumita lamang ng mahigit
dalawangput dalawang milyong piso.
No comments:
Post a Comment