Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hindi umubra sa Sangguniang Bayan ng Malay ang rason ni Punong
Barangay Lilibeth Sacapano ng Balabag na dahil sa kinakaltasan ng LGU ang
kanilang IRA ng 5% para sa LOCO fund kaya ipinapatupad nila ang pangongolekta
ng Garbage Fee para magkaroon din ng share ang lahat ng mga nakatira kasama ang
mga boarders sa barangay dahil nagdadagdag din naman ang mga ito ng basura.
Ngunit dahil sa naipatupad na ito ng Barangay Balabag, natanong
ito ni SB Member Jonathan Cabrera kung ano ang mangyayari sa ibinayad nang mga
naunan nang kumuha ng clearance na siningil din ng garbage fee.
Subalit ang usaping ito ay hindi direktang nasagot ni Punong
Brgy. Sacapaño.
Sa halip, ang tanging nasabi nito ay natutuwa siya dahil
naipatawag na siya ng konseho para makahingi ng saklolo kung ano ang dapat at
tamang gawing sa usaping ito.
Gayon pa man, nagpaliwanag ito na hindi naman talaga sila
naniningil ng Garbage Fee sa mga boarders.
Katunayan, maaaring nasingil lamang umano ng Barangay ang
mga ito ng indibiwal ng garbage fee na P200.00 kapag natanong kung may boarding
sila ay napapa-“oo” na lang at hindi nila nililinaw na pawang mga boarders lamang sila, pahayag na taliwas
sa unang sinabi ni Sacapaño nang makapanayam tungkol sa isyung ito.
Pero nilinaw nito na kung noong una pa lang ay nalaman na
aniya nila na mga boarders lamang ang kumukuha ng clearance ay hindi na kailangan
pang singilin pa nila ng indibidwal garbage fee ang mga ito.
Samantala, ipinagpasalamat naman ni Sacapaño dahil nabigyan
na ng kasagutana ang mga tanong at nalinawan naman ito.
No comments:
Post a Comment