Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
“Ang boarders sa Balabag ay hindi na sisingilin pa ng individual
Garbage Fee na P200.00.”
Ito ang nilinaw sa sesyong nitong umaga sa Sangguniang Bayan,
kasunod ng mga reklamong natanggap ng konseho at mga katanungan mula sa publiko
kasabay ng paninigil ng Brgy. Balabag ng Garbage Fee sa mga boarders.
Sa deliberasyon nilinaw na walang sapat at legal na basehan
ang Brgy. Balabag para maninigil halagang ito.
Bagamat may ordinansa ukol dito, pero nabatid mula sa SB na hindi
pa ito napagtibay ng konseho at hindi pa naaaprubahan.
Dahil dito, hiniling ng Sanggunian kay Punong Barangay
Lilibeth SacapaƱo ng Balabag na huwag nang singilin pa ang mga boarders at huwag
munang ipatupad ang P200.00 individual garbage fee dahil wala pa itong basehan at
nababahala ang konseho na baka magkaroong ng problema sa hinaharap at mabalikan
ang barangay.
Paliwanag kasi ng konseho, kung residente o household sa barangay
ang pag-uusapan, nasa batas talaga ito at nasa
Barangay Revenue Code, pero pagdating sa boarders, ibang usapan na aniya
ito at hindi sila kasama sa household na tinutukoy ng barangay.
Lumalabas na ang nais mangyari ng konseho ay sa mga may-ari
ng boarding house ipataw ang halagang ito at hindi sa boarders, dahil kung
iisipin, ang local na pamahalaan ng Malay naman aniya ang nagbibigay ng subsidy
at gumagastos para sa suliraning pangkapaligiran sa Boracay lalo na sa pangungolekta
ng basura.
Bagamat maaaring maningil ng garbage fee sa mga household,
nais ngayon ng konseho na malinawan muna ang lahat at magkaroon ng legal na
basehan bago ipatupad.
No comments:
Post a Comment