Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Mukhang hindi magkasundo ang Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative o BLTMPC at kumpanya ng electric tricycles o “e-trikes” na kasalukuyang isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Malay sa presyo ng electric tricycle na ito para planong ipalit sa tradisyunal na tricycle sa isla.
Dahil dito, hindi pa makakapag-desisyon ngayon ang kooperatiba ayon kay Ryan Tubi, Chairman ng Board of Directors ng BLTMPC kung sa kumpanyang isinusulong ng SB ngayon sila kukuha ng mga unit ng e-trike.
Ito ay sa kabila ng alok ng kumpaniyang sa ilalim ng Asian Development Bank (ADB) at Department of Energy (DoE) na bibigyan ng sampung unit ng e-trike ang BLTMPC para i-test drive ito sa isla at sampu rin ang para sa konseho.
Pero dahil sa namahalan ang kooperatiba sa presyong P200,000 piso bawat unit na babayaran sa loob ng 3 taon mula sa kikitain araw-araw na P600.00, tila hindi umano ito kinagat ng kooperatiba, ayon kay Tubi, dahil nagdududa ang mga ito kung kakayanin ng tricycle driver na kitaan sa isang araw lamang ang anim na daang piso.
Nakadagdag pa sa pagdadalawang isip ng BLTMPC na tanggapin ang sampung e-trike, dahil may iba pang kumpaniya ang intresadong ring pumasok at magsuplay ng mga katulad na sasakyan, na nakapag-prisenta na rin sa kooperatiba at sa mas murang presyo sa parehong kalidad.
No comments:
Post a Comment