YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, December 11, 2011

Masangsang na amoy sa Manggayad, tutugunan na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Totoo naman nagiging hindi maganda ang amoy sa area ng Sitio Manggayad, Brgy. Balabag, subalit walang umanong umaako kung saan ito nagmumula.

Subalit sa pulong na isinagawa noong a-nuebe ng Disyembre sa Malay Action Center na ipinatawag ni Island Administrator Glenn SacapaƱo kasama ang mga establishemento na  pinaghihinalaang pinagmulan ng masangsang na amoy sa nasabing area, ay wala namang umaamin dahil hindi naman umano nagmula sa kanila ang hindi kanais-nais na amoy.

Mariin naman itinaggi ng Boracay Island Water Company (BIWC) na may kinalaman sila sa problemang ito.

Dahil dito, nagkasundo at nagpasya ang mga dumalo sa pulong  na bigyan na lang muna ito ng panandaliang solusyon: mag-lagay ng gamot sa pinagmulan ng hindi kanais-nais na kulay ng tubig at amoy na tila mula sa septic tank.

Maliban dito, magsasagawa na lang umano ng inspeksiyon sa drainage ang LGU Malay sa lalong madaling panahon at ipapa-monitor ang area na nakitaan ng problema.

Isinagawa ang nasabing pulong dahil tila napapadalas na ang mga reklamo sa nasabing area at nagiging kahiya-hiya na sa mga dumadaang turista ang masangsang na amoy na nanggagaling sa nasabing lugar.

No comments:

Post a Comment