YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, December 09, 2011

Mga nagrereklamo tungkol sa drainage, hindi masisisi ng LGU Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay


Hindi rin umano masisi ng lokal na pamahalaan ng Malay ang mga establishimiyento sa Boracay kung bakit may mga nagrereklamo hinggil sa sitwasyon ng drainage system, at kung bakit kanya-kanyang gawa ng solusyon ang mga establishimiyentong ito para maibsan ang suliranin nila ukol dito, dahil naiintidihan naman nila umano ang mga ito.

Bagamat bawal umamo sanang gamitan ng motor para ipa-isipsip at idispatsa ang laman ng drainage sa kung saan partikular ang pagtatapon nito sa dagat lalo na kung baha.

Hindi rin naman umano masisi ang mga gumagawa nito sapagkat iyon lang ang tanging naisip nilang “band-aid solution” sa ganitong problema kahit hindi dapat ayon kay Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay.

Gayon pa man, ang mga problema umanong ito na nararanasan sa isla ay nasa plano na rin ngayon ng lokal na pamahalaan para mabigayan ng solusyon ang drainage system pagdating sa pagma-mentina ng proyektong ito.

Pero magagawa umano nila ito kung pormal nang mai-turn over ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na dating Philippine Tourism Authority (PTA) ang proyektong ito.

No comments:

Post a Comment