YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 07, 2011

Boracay Hospital, tataasan na ang level sa 2012

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Taon na rin ang hinintay bago nagamit ang x-ray machine sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital o mas kilala sa Boracay Hospital.

Ngunit matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas, ay pormal na nga itong mapapakinabangan ngayon.

Sa pagkukumpirma ni Dra. Mishelle Depacakibo, Adminstrador ng Boracay Hospital sa isang panayam, may isang linggo na rin umanong ginagamit ng ospital ang x-ray machine, subalit, dinadahan-dahan nila ang paggamit nito, lalo pa at nasa estado palang ito ng dry run o pagsubok sa ngayon.

Maliban sa x-ray, may ECG, mga gamot, at may tatlong doctor na rin aniyang naka duty dito.

Dagdag pa nito, aasahang aniyang sa susunod na taon ng 2012, may mga bagong mangyayari pa para mapa-unlad ito, kung saan mula sa primary hospital, i-aakyat na ito sa mataas na level.

May mangyayari ding expansion at dadagdagan ang mga kwarto, pasilidad at mga staff dito, na siyang makakatulong  para lalong mai-angat ang antas ng kanilang serbisyo.

No comments:

Post a Comment