YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, November 13, 2011

Tatlong Superintendent na pinagpipiliang maging Hepe ng BSTPO, inilahad na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mistulang malabo na ang inaasahan ng mga Stakeholder at lokal na pamahalaan ng Malay na maibalik bilang Chief of Police ang dating Hepe ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) na si Supt. Sammuel Nacion, makaraang hilingin ng mga sektor na ito na manatili ang dating Hepe dito sa isla bilang pinuno ng kapulisan sa Boracay.

Sapagkat sa ngayon, nasa proseso na ang proposisyon sa pagkakaroon ng bagong Hepe ng BSTPO.

Ito ay matapos mabatid mula kay P/S Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office o APPO ang bagay na ito, at ng sabihin ng opisyal na may tatlong Superentindent na ngayon ang inirekomenda ng Regional Office para mapagpili-an bilang kapalit ni Nacion.

Ayon kay Defensor, ang tatlong pinag-pipilian ngayon ay sina, Supt. Gustilo, Supt. Romeo De Guzman na minsan nang naitalaga dito bilang Hepe ng BSTPO at si Supt Noel Lamses.

Maliban sa nabanggit na mga panagalan ng Provincial Director sa mga nakahilirang pagpilian na maging Hepe ng Boracay.

Tila limitado pa ito ngayon sa pagbigay ng impormasyon tungkol sa tatlong tinutukoay na Supirentendent na siyang ni-rekomenda ni Regional Director P/C Supt Cipriano Querol.

Samantala kung naging isyu at naging tanong kung sino ang dapat pipili at magtalaga ng Hepe sa Boracay, ngayon ay naisali na rin sa pagpili ng u-upong Hepe sa isla si Aklan Governor Carlito Marquez at Malay Mayor John Yap.

Katunayan ay naisumite na umano sa dalawang opisyal na ito ang biodata ng tatlong Superintendent para si Marquez at Yap na ang pumili mula sa mga nirekomendang ito, ayon kay Defensor.

Samantala, sinabi naman ni Defensor na naghihintay nalang din siya ng feedback mula sa Gobernador kung may napili na sila ni Yap mula sa tatlong ini-rekomenda.

Gayon paman, sa huli ay si sila Marquez parin aniya ang susulat kay Querol para ipa-alam sa Regional Director kung sino ang gusto nila sa tatlo.

No comments:

Post a Comment