YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, November 13, 2011

Presyo ng pangunahing bilihin sa Aklan, hindi pa gaanong gumagalaw

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Walang pa naman naitalang malaking pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin dito sa Aklan nitong nagdaang buwan ng Oktubre ayon kay Rene Retiro ng Department of Trade and Industry (DTI).

Gayon paman, klinaro nito na nagkaroon nga ng pag-galaw sa presyo, subalit masyadong maliit lang umano ito, na hindi naman naramdaman ng mga mamimili.

Sinabi din nito, na hindi siguro aniya nangyari ang pagtaas ng presyo, sapagkat madalas aniya ang paalala nila mga pangunahing pamilihan dito sa Boracay at Kalibo na sundin at kung maaari at wag nang lumampas pa sa Suggested Retail Price o SRP.

Samantala, para sa buwan ng Nobyembreng monitoring ng DTI, kasama na sa babantayan nila ang mga pang Noche Buenang produkto na siyang mariing pinagtutuunan aniya nila ng pansin.

Malalaman din umano ng publiko kung may paggalaw sa presyong nangyari ngayong buwan sa susunod na linggo, dahil kasalukuyan palang silang nagsasagawa ng pag-monitor sa mga pamilihan.

Kung saan, sa bayan ng Kalibo Monthly aniya ang ginagawa nilang pagmonitor at sa Boracay naman ay Quarterly.

No comments:

Post a Comment