(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)
Inatasan na ni Aklan Governor Carlito Marquez ang DENR Boracay na magsagawa ng inspeksyon sa baybayin ng isla dahil sa erosion nagbubunga ng paglitaw ng mga tubo sa dalampasigan ng Boracay, at sea sport activities na pinaniniwalaang nakaka-apekto sa pagkasira ng mga korales sa isla.
Ito ang inihayag ni Boracay CENRO Officer Merlita Ninang ng makapanayam ng YES FM News Center Boracay ukol sa problemang nararanasan ngayon sa isla.
Ayon dito, ang usaping ito ay idinulog na rin sa pulong ng Task Force Boracay nitong nakaraang ika-apat ng Mayo at napagpasyahan ng gobernador na imbestigahan ito.
Ang mga lugar na target na inspeksyunin ay ang bahagi ng Yapak, partikular na ang West Cove, papuntang Grotto.
Samantala, mula naman sa resulta ng isinagawang inspeksyon ng DENR ay gagawa ng resolusyon ang Task Force Boracay na magbibigay ng otoridad kay Mayor John Yap upang aksyunan kung ano ang nararapat sa mga apektadong lugar na ito.
Sa kasalukuyan, target din umanong isagawa ang inspeksyon ngayong linggio kung maisisingit sa kanilang iskedyul at kung makiki-ayon ang panahon.
No comments:
Post a Comment