YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 10, 2011

DENR, maingat na sa pagbibigay ng titulo ng lupa sa Boracay


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Tila sobrang maingat na ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagbibigay ng titulo ng mga lupa sa isla ng Boracay.

Ito ay matapos magbaba ng utos si DENR Secretary Ramon Paje na pansamantalang itinigil muna ang pagbibigay nila ng mga land titles resulta ng isinagawang survey at maging ang pag-tanggap ng aplikasyon sa pagkakaroon ng titulo ay ipinatigil din.

Ayon kay Boracay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer Merlita Ninang, hinihintay pa nila sa ngayon na maaprubahan ang cadastral survey sa buong isla na idadaan pa sa tatlumpung araw na correction o pagtatama mula sa nagmamay-ari para hindi maging problema sa hinaharap bago nila i-endorso sa Provincial ENRO at sa Regional at Central Office.

Magugunitang nabahiran na ng negatibong imahe ang pangalan ng DENR dahil na rin sa umano’y maling pagbibigay ng titulo na siyang dahilan na rin para mag-ingat ang naturang departamento sa kanilang pagbibigay ng titulo.

No comments:

Post a Comment