YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 01, 2014

Caticlan ES at Malay NHS, Champion sa kauna-unahang Drum, Lyre bugle Contest

Posted May 1, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nasungkit ng Caticlan Elementary School at Malay National High School ang pagiging Champion sa kauna-unahang Drum, Lyre bugle Contest kahapon.

Apat na mga paaralan mula sa elementarya ang naglaban-laban at tatlo naman sa High School ang sumali sa nasabing patimpalak.

Sa elementary level nauwi ang consolation price ng Malay ES at Argao ES, habang second place ang Balabag ES at 1st place ang Yapak ES at ang nag Champion na Caticlan Elementary School.

Habang sa secondary Level nakuha ng Boracay NHS ang 2nd place, 1st place ang Lamberto NHS at ang Champion ngayong taon na Malay National High School.

Sa kabilang banda present din sa naturang okasyon ang LGU Malay sa pangunguna ni Vice Mayor Wilbec Gelito at ng mga SB officials, habang panauhing pandagangal naman dito ay si Dr. Jesse M. Gomez, Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) Aklan.

Napuno rin ng panauhin ang Malay Public Plaza para suportahan ang kanilang mga represintante sa kauna-unahang Drum, Lyre bugle contest.

Samantala, ngayong araw na rin gaganapin ang inaabangang Malay 11th Fiesta De Obreros kung saan kalakok rito ang 17 mga Brgy. ng nasabing bayan.

Wednesday, April 30, 2014

BFI, ikinatuwa ang mga programa ng Patrol Plan 2030 ng BTAC

Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinatuwa ngayon ng Boracay Foundation Inc. (BFI) ang mga pogramang nakapaloob sa Patrol Plan 2030 ng Boracay PNP Station.

Katunayan, sinabi ni BFI President Jony Salme na maganda ang nasabing programa para mas na mapaigting ang Peace and Order sa isla lalo na’t tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga bakasyunista dito.

Samantala, dagdag pa ni Salme na buo rin umano ang kanilang suporta sa programa kasama ang ilan pang mga Non-Government Oraganizations (NGOs) para sa ikagaganda ng Boracay.

Ang PATROL Plan 2030 ay isinakatuparan bilang bahagi ng Integrated Transformation Program ng Philippine National Police.

Ito’y upang mas mapalakas ang kapasidad ng pulisya sa buong bansa sa pagsisiguro ng seguridad ng bawat mamamayan.

Kaugnay nito, ginawa ring aktibo ang Police Strategy Management Unit ng Boracay PNP upang mamonitor ang mga aktibidad at programa ng PATROL Plan 2030.

Lalaking Chilean national, ninakawan sa Boracay

Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Iniimbestigahan parin ng mga taga Boracay PNP Station ang isang kaso ng pagnanakaw sa Station 1 Balabag nitong Lunes.

Kaugnay ito sa isang turistang nagreklamo matapos na umano’y tangayin ng hindi nakilalang kawatan ang kanilang pera at mga Iphone 5.

Nabatid na dumulog sa Boracay PNP nitong Lunes si Ignacio Espinoza, 23 anyos ng Chile at ang kanyang kaibigang babae na si Ingerborg Marie Bern Egeland, 24 anyos, na isang Norwegian national upang i-report ang nangyari.

Ayon sa report, iniwan umano nila ang kanilang mga gamit at perang nagkakahalaga ng mahigit 7 thousand pesos sa beach bed ng isang resort sa Station 1 Balabag at naligo sa dagat.

Subalit, makalipas ang ilang minuto ay may isang hindi kilalang lalaki di umano ang lumapit sa nasabing beach bed at kinuha ang kanilang gamit gayundin din ang pera.

Sinubukan di umano ng mga biktima na pigilan ang lalaki subalit pinagbantaan di umano ang mga ito na sasaktan kaya’t hinayaan nalang nila.

Matapos ang pangyayari, tinawagan umano nila ang kanilang mga cellphone para sa posibleng pagkakatukoy ng suspek subalit naka-off na ang mga ito.