YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 27, 2013

Mga kandidato sa Aklan na nagkakalat ng mga poster, inabisuhan na ng Comelec

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Aaasahang nagkakaraoon pa umano ng “Operation Baklas” ng mga poster ng pulitoko ang Comelec sa Aklan.

Ito ang inihayag ni Jetulio Esto ng Comelec Aklan, kung saan sa ngayon ay marami na umano silang kandidato sa probinsiya na napadalhan na ng sulat para sila na mismo ang bumaklas ng kanilang mga poster at campaign paraphernalia.

Sa oras umano na hindi natangal ng mga pulitikong ito ang kanilang mga campaign materials, ang Comelec na mismo umano ang magbabaklas nito kahit hindi pa tapos ang election.

Nilinaw din nito na mariing ipinagbabawal ang paglalagay ng anumang naglalakihang larawan ng kandidato sa labas ng mga paaaralan kung saan isasagawa ang botohanm at maging sa mga daanan man.

Sapagkat ang designated common poster area lamang umano na diniklara ng komisyon ay ang mga public plaza.

Kaya ang mga poster na wala doon ay maikukonsiderang iligal at dapat na tangalin.

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Esto kung sino-sinong mga kandidato sa Aklan ang napadalhan na nila ng sulat.

Nagsusulputang boarding houses sa Bukid Talipapa, Manoc-manoc, napuna

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Hindi lamang mga basura ang nakitang problema sa Bukid Talipapa sa Barangay Manoc-manoc.

Kundi ang pagsulputan umano ng mga boarding houses doon, na wala namang permiso o kaukulang dokumento bago ito itinayo, ayon kay Island Adminstrator Glenn Sacapaño.

Maliban dito, hindi din umano rehistrado sa LGU o maging sa barangay ang mga boarding house na ito doon na animo ay squatters’ area sa dami nilang nagsiksikan sa nasabing lugar.

Dahil dito, nagpahayag si Sacapaño na kapag hinayaan lamang na ganito ang lugar na hindi magkaroon ng disiplina sa iba’t ibang aspeto ang mga nakatira doon, nababahala umano sila sa posibleng sakuna na posibleng mangyari na sa huli at ibabalik din ang sisi sa lokal na pamahalaan sa Boracay.

Nabatid din mula dito na may ilang beses na rin nilang binisita ng monitoring team ng LGU  ang lugar para kausapin ang mga nakatira doon kaugnay sa mga problemang nararanasan at nakita doon, lalo na sa usapin ng boarding houses.

Pero pinagtataguan pa umano sila minsan ng may-ari.

Problema sa basura sa Bukid Talipapa, babalikan ng LGU kapag natapos na ang 2013 Elections

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Tila ramdam na rin ng lokal na pahalaan ng Malay sa Boracay ang problema sa basura sa Talipapa Bukid.

Maliban kasi sa hindi maayos ang pagkakadispatsa ng mga hinugsang tubig na ginamit sa paglilinis ng isda, karne at gulay sa palengke na ito.

Problema din sa mga Boarding House ang isa pang nakitang suliranin na siyang nakakapagdala din ng basura.

Katunayan ay marami na umano silang nabigyan ng citation ticket sa area na ito ayon kay Island Administrator at Solid Waste Management Manager Glenn Sacapaño.

Ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin talaga umano ang pasaway na mga residente at vendors sa nasabing lugar na madalas na alibi ay hindi parin alam ang ordinansa gayong ilang taon na nakatira ang mga ito doon.

Ito ay kaugnay sana sa tamang paghihiwalay ng basura at ordinasang nagbabawal na magtapon ng basura kahit saan lang.

Sa panayam ng himpilang ito sa administrator, inihayag nitong ilang beses na rin silang nakipag-diyalogo  sa mga tao sa Bukid Talipapa upang ipaliwanag sa mga ito ang ordinansa at ilatag ang mga dapat gawin upang hindi bumaho at mabalot ng basura ang nasabing lugar.

Subalit, tuwing bumabalik umano ang monitoring team ng LGU doon ay maroon pa rin silang nakikitang hindi sumusunod at nagtuturuan pa.

Ganoon pa man, ang sitwasyon doon ngayon ayon dito ay tila naging maayos na rin kung ikukumpara sa dati.

Bilang sagot na rin nito sa ilang residente doon kaugnay sa pagsisiga sa nasabing lugar ng mga basura.

Paliwanag nito, pwede naman iyon kung puro dahon o damo lamang umano sinisigaan.

Pero mahigpit na paalala nito na huwag isama ang mga plastic sapagkat mariin umano nila itong ipinagbabawal dahil nakakasira sa kapaligiran at maaaring makapagdala ng sakit kapag nalanghap ng mga indibidwal doon.

Sa halip ay ihiwalay na lamang at ilagay sa isang lalagyan para makuha din ng mga garbage collector na umiikot tuwing umaga.

Sa kabila ng mga pahayag na ito ni Sacapaño, nilinaw nito na muli nilang gagalugarin ang area na ito at ayusin ang mga problema doon pagkatapos nitong May 2013 Elections.

PHO walang pang naitatalang kaso na biktima ng heatstoke sa Aklan

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Sa kabila ng sobrang init na nararanasan ngayon hindi lamang sa Boracay, kundi maging sa buong probinsiya ng Aklan at bansa, walang pang naitalang kaso ng heat stoke ang Provincial Health Office sa ngayon ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon Jr., PHO Officer.

Pero hindi umano nito masiguro na walang nabiktima ng sakit na ito sa buong probinsiya, dahil hindi pa nito hawak ang records ng iba pang hospital sa Aklan.

Subalit sa ngayon aniya, wala pa silang naitalang kaso ng sakit na ito sa Provincial Hospital.

Ganoon pa man, nagpaalala ang PHO Officer hinggil sa “6S” na inilunsad ng Department of Heath na siyang nauusong sakit din sa panahong ito.

Kung saan ito ay kinabibilangan ng mga sakit na: sore eyes, sunburn, sipon at ubo, pagsusuka at pagdudumi, sakit sa balat at sakmal ng aso.

Aniya, maiiwasan umano ang mga sakit na ito kung paiiralin ang pagiging malinis sa katawan katulad ng madalas na paghuhugas ng kamay at pagpanatili na malakas ang immune system.

Samantala, inihayag naman ng manggagamot na mayroon na silang naitalang turista sa Boracay na nagkaroon ng sore eyes kamakailan lang.

Comelec Aklan may paalala sa mga kandidato

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Ngayon pa lang ay dapat na sumunod na umano ang mga kandidato sa patakaran ng Comelec lalo na sa pagsabit at paglalagay ng mga poster o campaign paraphernalia nila.

Ito ang paalala ng Commission on Election Aklan, dahil aminado ito na pagkatapos ng halalan ay tila hindi na papansinin pa mga kandidatong ito ang mga basura o mga poster na ikinabit nila katulad noong mga nagdaang halalan, lalo na umano ang mga talong kandidato.

Kaya paalala ng kumisyon, magkabit o maglagay lamang ng mga poster sa common poster area upang hindi ito maging basura sa mata matapos ang election lalo na dito sa isla ng Boracay.

Sa panayam kay Jetulio Esto ng Comelec Aklan, obligasyon umano ng mga kandidatong ito na sila na ang magbaklas ng kanilang mga poster, o kaya ay sila na umano ang gumastos para maligpit ito pagkatapos ng election.

Dahil noon pa man umanong nag-file ng Certificate of Candidacy, ay pina-alalahanan na ng komisyon ang mga kandidato sa kanilang mga obligasyon.

Sa oras umano na hindi tumalima ang mga pulitikong ito, sinumang indibidwal na may malasakit sa kapaligiran ay maaaring magreklamo laban sa mga ito.

Sa panig naman umano ng Comelec, papadalhan nila ng sulat ang mga may-ari ng poster upang ipatanggal na ang mga ito, at maaaring masampahan ng kaso ang ayaw pa talagang tumalima sa kautusang ito.