Kung saan, ayon kay Rigoberto Gelito Jr., Chairman ng Boracay
Island Hopping Association (BIHA), 250 na sa kanilang mga boatmen at boat
captains ang nakapag- SOLAS na sa Iloilo nitong buwan ng Nobyembre.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 280 ang bangkang miyembro ng
asosasyong ito.
Ito ay kaugnay pa rin sa layunin ng BIHA na mapanatiling
ligtas ang kanilang mga pasahero at kliyente sa nasabing aktibidad.
Sa paraan din umano ng SOLAS training na ito, alerto at
handa na rin ang mga tripulante nila sa pag-aksiyon gayong alam na ng mga
boatmen at kapitan ang kanilang gagawin sa oras ng emerhiya.
Kasunod nito, dahil sa ang asosasyon at mga may-ari ng
bangka umano ang gumastos sa training ng mga tripulante nila, maghihigpit din
umano ang BIHA sa mga may balak lumipat ng trabaho, gaya sa paglipat sa ibang
grupo ng mga kapitan at boatmen na ito.
Dahil ang pinakalisensiya umano nila mula sa MARINA, o
sertipikasyon na sumailalim sila sa SOLAS ay nakapangalan sa bangka nilang
ginagamit sa ngayon.
Samantala, maliban sa SOLAS training, nagtakda na rin umano
ayon kay Gelito ang lokal na pamahalaan ng Malay, partikular ang Municipal
Tourism Office, ng enhancement seminar sa mga ito. #ecm112012