YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Boracay Foundation Incorporated. Show all posts
Showing posts with label Boracay Foundation Incorporated. Show all posts

Thursday, March 07, 2013

BFI, kinondena ang pagpaslang sa Ati Youth Leader at Spokesman Dexter Condez

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Kinondena ngayon ng BFI o Boracay Foundation Incorporated ang pagpaslang sa Ati Youth Leader at Spokesman Dexter Condez.

Ang nasabing pagkondena ay nakasaad sa kanilang inilabas na official statement, na may kasamang panawagan ng hustisya.

Naniniwala umano kasi ang BFI na ang anumang uri ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao ng isang indibidwal ay apektado din ang buong komunidad.

Kung saan ang pagpaslang umano kay Condez nitong nagdaang Pebrero 22 ay nagpayanig sa buong Boracay at dumungis sa reputasyon nito bilang international tourist destination.

Kaugnay nito, nanawagan ang BFI kay mismong Pangulong Benigno Aquino III, sa Aklan provincial government, Boracay PNP, LGU Malay, NBI o National Bureau of Investigation na malutas ang kaso at mabigyang katarungan ang pagpaslang kay Condez.

Nanawagan din ang mga ito para sa isang masusing imbistigasyon para sa ikadarakip ng mga sangkot sa nasabing krimen.

Friday, January 25, 2013

Reklamasyon sa Caticlan, posibleng umusad na ngayon 2013


Tiwala si Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang na ngayon 2013 ay makaka-usad na ang kontrobersiyal na proyektong reklamasyon ng probinsiya.

Sapagkat sa ngayon ay may ilang dukomento lamang umano na dapat isusumite ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Supreme Court na siyang may hawak na kaso para mapatunayang hindi naman makakapagdala ng problema sa kapaligiran ang proyekto ito.

Kung saan ito na lamang umano ang kulang ngayon.

Kampante din ito na babawiin na rin ng Korte Suprema ang Temporary Environmental Protection Order o TEPO na ibinaba laban sa pamahalaang probinsiya na siyang may proposisyon ng reklamasyon.

Kung maaalala, hiniling ang TEPO ng Boracay Foundation Incorporated o BFI nang magsampa ng kaso sa SC laban sa proyekto.

Kaya pinatigil ang ginagawang pagtatambak sa 2.6 hectar na reklamasyon doon.

Subalit, nitong ika-tatlong bahagi ng 2012 ay nagpahayag na ang BFI ng pagsuporta sa proyekto.

Dagdagan pa ng ginawang pag-endurso ng Sangguniang Bayan ng Malay at Caticlan Barangay Council. 

Tuesday, January 08, 2013

BFI, handang tumulong sa Ati-atihan ng Kalibo


Sa kabila ng gingawang paghahanda ng mga stakeholders sa Boracay para sa darating na 2013 Ati-atihan sa isla, Nakahanda pa rin ang mga ito na tulungan ang organizer ng Ati-atihan sa bayan ng Kalibo upang sadyain ng mga turista sa isla ang tinaguriang Mother of All Festival sa bansa, ang Sto. Niño Ati-atihan sa Kalibo.

Sa panayam kay Dionesio “Jony” Salme, Pangulo ng Boracay Foundation Incorporated (BFI), inihayag nito na handa naman ang mga stakeholder sa isla na hikayatin ang mga turista sa Boracay para makibahagi ang mga ito sa kasiyahan sa bayan ng Kalibo.

Ito ay sa paraan ng promosyon umano na gagawin nila, kahit pa may sariling Ati-atihan ang Boracay na dapat din nilang i-promote, na gagawin sa darating na Linggo ika-13 ng Enero.

Sinabi din ng Pangulo ng BFI na minsan na rin naki-usap sa kanila ang Management ng Kalibo Ati-atihan.

Ito ay para tulungan sila ng mga stakeholder sa Boracay sa paghihikayat sa mga turista dito para sa nasabing selebrasyon.

Una nang inamin ni Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Incorporated (KASAFI) Chairman Albert Menez, na isa sana sa inaasahan nilang dadayo sa taunang selibrasyon ng Ati-atihan doon ay ang mga turista sa Boracay.

Subalit, sa kabila ng pagdagsa ng turista sa isla, bawat taon naman ay tila bumabawas ang bilang ng mga turistang dumadayo sa Festival.

Ang Ati-atihan sa Kalibo ngayong taon ng 2013 ay gaganapin simula ika-14 hanggang ika-19 ng Enero. #ecm012013

Friday, November 23, 2012

Mayor Yap, umapela sa mga Boracaynon para sa “Light a Boracay Christmas Star”

Umapela ng suporta ngayon si Malay Mayor John Yap sa mga Boracaynon at stakeholders sa isla na magsabit ng Parol para sa nalalapit na kapaskuhan.

Ito ay kasunod sa programang ikinasa ng lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay na “Light a Boracay Christmas Star” para iparamdam sa nga bisita ng isla ang diwa ng Kapaskuhan.

Dahil dito, humiling ng tulong ang Punong Ehikutibo sa mga Punong Barangay ng tatlong barangay din sa Boracay na kung maaari ay tulungan ang LGU sa kanilang adhikain.

Ito ay para sa promosyon ng masayang pasko, kaya kahit ang mga residente sa isla pati mga stakeholder lalo na ang malapit sa mga daanan ay hinihikayat nito na magsabit ng parol o kaya ay mga pailaw na nagsisimbolo ng Pasko.

Kung saan ang mga parol at pailaw na ito ay sabay umanong sisindihan sa darating na ika-14 ng Disyembre kung saan may progrmang isasagawa sa Balabag Plaza kasabay ng paglulunsad sa “Light a Boracay Christmas Star”.

Ang programang ito ng LGU Malay patikular ng Municipal Tourism Office sa Boracay ay sinang-ayunan at sinusuportahan naman ng Red Cross Malay-Boracay Chapter, Boracay Chamber of Commerce and Industry (BCCI), at Boracay Foundation Incorporated (BFI).  #ecm112012

Monday, September 17, 2012

Pagbawi sa kaso laban sa reklamasyon, pinabulaanan ng BFI

Mariing pinabulaan ni Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Dionesio “Jony” Salme ang lumalabas na balitang balak na nila ngayong bawiin ang kasong naisampa sa pamahalaan probinsiya kaugnay sa usapin ng reklamasyon sa Caticlan.

Ayon kay Salme, wala itong katotohanan, kundi ang ginawa umano nila ay ang panindigan ang kanilang unang hakbang na magpasa ng resulosyon na hindi na sila tututol kung hanggang 2.6 ektarya lamang ang gagawing reklamasyon, pero ang pagbawi sa kaso ay hindi talaga nila pinag-usapan.

Kaya bilang pagtupad sa request ng Supreme Court kung saan isinampa ng BFI ang kaso, balik umano sa zero at dadaan na sa tamang proseso ang probinsiya upang mabawi na ang Temporary Environmental Protection Order (TEPO) na ibinaba ng SC laban sa proyekto.

Una rito, nagsagawa na ng Public Hearing ang pamahalaan probinsiya sa Boracay bilang kanilang hakbang upang muling umusad ang reklamasyon ng ipatigil ng Korte sa kahilingan na rin ng BFI.

Kung maaalala, ilang beses na rin lumabas ang usaping ito, pero sa pagkakataong ito, babawiin na umano ng BFI ang kaso kung ibabalik ng probinsiya ang lahat ang nagastos nila sa pagsampa ng kaso, na siyang mariing itinanggi naman ni Salme.

Ito ay dahil na rin sa ang isyung pangkapaligiran ang mitsa ng pagsampa ng kaso ng BFI sa may proposisyon ng proyektong reklamasyon sa Caticlan na nagresulta sa pagpapatigil sa pagtatambak doon.

Hiniling umano ni Salme sa ginawang Public Hearing kamakailan sa pamahalaang probinsiyal na sakaling matuloy na ang 2.6 ektaryang reklamasyon, dapat ay may standby o may naka set-aside na agad na pondo para sa epektong pwedeng madala ng reklamasyon sa kapaligiran lalo na sa dagat ng Boracay.

Ito ay maliban pa umano sa hiniling nilang magkaroon ng patuloy na environmental study sa area na ito.

Layunin umano nito na kung ano man ang kahihinatnan ng proyekto dahil na rin sa mga pangaba, mahalaga aniya na may pondo na talagang inilaan para hindi na lumala pa at maaksiyunan agad lalo pa at ayaw umano nito na maging rason lang ang kawalan ng pera o pundo kapag nasa hindi na inaasahang sitwasyon.

Inihayag din ni Salme na positibo naman umanong tinanggap ng pamahalaang probinsiya ang suhistiyon nito. | emc092012