YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label Boracay Beach Management Program. Show all posts
Showing posts with label Boracay Beach Management Program. Show all posts

Friday, October 12, 2012

Pare-parehong kulay para sa mga bangka ng BIHA, isinulong ng LGU Malay

Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Bughaw sa ilalim at puti naman ang sa itaas.

Ito na ang inaasahang magiging kulay ng mga bangka ng BIHA o Boracay Island Hopping Association sa isla sa susunod na mga araw.

Isinulong kasi kahapon ng LGU Malay ang pagkakaroon ng pare-parehong pintura sa mga nasabing pump boat bilang dagdag atraksyon sa mga turista.

Maliban sa pagpapa-pintura ng bughaw at puti, ilalagay din sa mga bangka ang logo ng “Sali Ako Diyan” ng BBMP o Boracay Beach Management Program.

Sa panayam ng himpilang ito kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, sinabi nitong maliban sa pagiging atraksyon ay matutukoy din ang mga colorum na mga bangkang nag-o-operate sa isla.

Sisimulan umano ang paglulunsad ng nasabing plano sa araw ng Huwebes, ikalabing lima ng Nobyembre ng taong kasalukuyan, kung saan sampu muna mula sa mahigit dalawang daang bangka ng BIHA ang pipinturahan.

Ayon pa kay Sacapaño, para hindi mabigat para sa mga operator ay si mismong Mayor John Yap na ang maghahanap ng mga sponsor para dito, na sinang-ayunan naman umano ng mga taga BIHA.

Ang nasabing plano ay ilan lamang umano sa mga pinag-usapan kahapon, sa ipinatawag na pagpupulong ng LGU sa mga taga Boracay Island Hopping Association.

Monday, October 01, 2012

Malawakang clean up sa Boracay, lumarga sa ikalawang anibersaryo ng BBMP

Dalawang taon na ang nakalilipas nang ilunsad ang BBMP.

Clean up sa kaliwa, clean up sa kanan. Clean up sa mga kalsada at sa ilalalim ng karagatan.

Ito ang mga eksenang agaw pansin sa isla ng Boracay, kaugnay sa malawakang clean up drive na ginanap noong Sabado, ika-29 ng Setyembre.

Ikalawang taong anibersaryo na kasi ng BBMP o Boracay Beach Management Program ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Ayon kay Malay Tourism Office Chief Felix De Los Santos sa isang ekslusibong panayam ng himpilang ito, ang nasabing aktibidad ay talagang pinaghandaan ng LGU.

Kasama ang mga taga-pamahalaang probinsya ng Aklan, Department of Tourism, mga pribadong sektor, stakeholders at mga kooperatiba, nilinis ng mga taga BBMP ang baybayin ng Boracay bandang alas sais ng umaga.

Bitbit ang kanilang mga sakong lalagyan ng mga basura, nilinis naman ng iba pang sumama sa clean up ang highway ng Boracay, habang inako naman ng mga taga-Coast Guard at mga kasama nito ang paglilinis sa ilalalim ng dagat.

Magtitipon naman ang mga sumali sa clean up sa Barangay Balabag para sa isang palatuntunan.

Kaugnay pa rin sa nasabing aktibidad, nagtakda naman ng mag-tree planting sa Balosbos ang mga taga-Malay Elementary School na ginanap noong alas otso ng umaga, habang nag-painting naman ang mga mag-aaral sa Elementarya ng Manoc-manoc.

Napag-lamang tampok din sa nasabing inihandang programa ng BBMP ang isang audio-visual presentation tungkol sa mga narating na ng Boracay Beach Management Program.

Ang YES FM 9.11 at 93.5 Boracay ay kasama din sa adbokasiya ng BBMP. | md102012