YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label 2013. Show all posts
Showing posts with label 2013. Show all posts

Wednesday, January 09, 2013

Kalibo Ati-Atihan 2013, aasahang magiging matagumpay kahit binaha

image from
http://en.wikipedia.org
Ni Mark Anthony Pajarillo, YES FM News Center Boracay

Tuloy na tuloy pa rin ang Kalibo Ati-atihan 2013.

Ito’y dahil umulan man o umaraw at kahit ilan pang bagyo ang dumating, hindi ito alintana ng mga taga-KASAFI o Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Foundation Inc.

Ayon kay Albert Menez, Chairman ng nasabing foundation, kahit pa umano nagdaan ang bagyong Quinta at binaha ang bayan ng Kalibo noong nakaraang linggo ng Disyembre bago magtapos ang taong 2012 ay may mga preparasyon silang inihanda maging matagumpay lamang ang nasabing taunang selebrasyon.

Anya, kung iri-rate nito mula isa hanggang sampu ang ikakatagumpay ng Ati-atihan, bibigyan niya umano ito ng siyam na puntos, sapagkat may mga preparasyon pa silang hindi pa natatapos.

Ngunit kung tutuusin, wala naman umanong dapat na ipangamba dahil sa linggong ito ay halos patapos na ang mga dapat nilang tapusin.

Samantala, nagpapasalamat din ang Chairman dahil sa mga nag-ambag ng tulong at suporta upang malinis ang mga kalye ng bayan ng Kalibo.

Patunay lamang umano nito na ang tradisyon ng mga Pilipino ang pagiging maka-bayanihan.

Aasahan din umano ng mga dadayo sa nasabing selebrasyon ang iba’t ibang mga events tulad ng mga inorganisang palabas sa Pastrana Park na tiyak na kaaaliwan ng lahat.

At gaya ng dati, back to normal ang selebrasyon kahit pa na dinaanan ni Bagyong Quinta ang Kalibo.

Dahil dito, naganyaya ang mga taga KASAFI sa pamumuno ni Meήez sa mga turista, na dumalo sa Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan Festival.

Napag-alamang ang opening salvo nito ay gaganapin sa ika 14 ng Enero ito at buong linggo ang selebrasyong ito.

Asahan din anya na magiging masaya at mapayapa ang gaganaping street parade dahil na rin sa tulong ng mga otoridad o kapulisan at ng mga taga KASAFI.

Friday, January 04, 2013

Pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Aklan, “generally peaceful” --- PNP Aklan


Maituturing umanong “generally peaceful” ang isinagawang pagdirawang ng Pasko at Bagong Taon sa Aklan bago at ngayong pumasok na ang taong 2013.

Ayon kay P/Supt. Pedrito Escarilla, Provincial Director ng Aklan Provincial Police Office, ikinatuwa nila at walang anumang naitalang malaking insidente may kinalaban sa selebrasyon.

Maliban na laman sa ilang insidente umanong maitinuturing na isolated lamang o karaniwang nangyayari mayroon o walang mang selebrasyon.

Kaugnay naman sa kaso ng mga biktima ng paputok, sa ngayon umano ang hinihintay pa nito ang report kung mayroon man.

Sa ngayon ay pina-iimbestahan na aniya ang pangyayari sa SOCO o Scene of the Crime Operatives Aklan hinggil umano sa isang babae na di umano ay tinamaan ng ligaw na bala.

Ito ay upang malaman kung sinadya o talagang nabiktima ng ligaw na bala ang 26-anyos na si Mayet Tulio ng Brgy. New Buswang, Kalibo na ikinamatay nito sa kasagsagan ng pagdiwang ng Bagong Taon.

Ayon sa ulat, nagtamo ng tama ng baril sa dibdib habang papasok sa kwarto ng kanilang bahay ang bikita, na siyang itinuturing na nag-iisang biktima ng ligaw na bala kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon. #ecm012013

Boracay, zero sa fire cracker incident nitong Pasko at Bagong Taon


Zero fire Cracker incident sa pagsalubong ng 2013.

Kaya labis na ipinagpapasalamat ngayon ng Pulis Boracay dahil sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon dito sa isla ay walang naitalang kaso na may nabiktima ng paputok.

Ito ang inihayag ni P/S Inspector Fidel Gentallan, Deputy Chief of Police ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Matatandaang noong nakaraang taong sa pagsalubong sa taong 2012 ay nakapagtala ng isa biktima dahil sa pagpapaputok.

Aniya maliban sa “zero fire cracker incident”, wala din umano silang naitalang ano mang krimen o insidente may kinalaman sa pagdiriwang Pasko at Bagong Taon.

Kahit pa sinabayan ito ng napakaraming dagsa ng turista kung ikukumpara noong mga nakalipas na taon ay naging maayos naman ang selebrasyon sa pagkukumahog na rin ng mga awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Bunsod nito, ikinatuwang inihayag ni Gentallan na naging mapayapa ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon sa isla.  #ecm012013