Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT
Sasailalim na sa mandatory 15-hours na seminar at driving
course ang mga nais kumuha ng “student permit” sa Land Transportaion Office
(LTO) simula buwan ng Abril.
Ito ang kinumpirma mismo ni Engr. Marlon Velez, Acting
Chief ng LTO-Aklan.
Aniya, ang implementasyon ay kasunod ng Memorandum
Circular 2019-2176 na inisyu noong December 2019.
Ang driving course ay hahatiin sa tatlong sesyon tulad ng
Introduction to traffic laws, Land Transportation-Related Special Laws, at
general driving.
Isasagawa ang seminar at driving course sa mga accredited
driving course centers na iaanunsyo ng LTO Region-6.
Ang bagong patakaran na ito ng LTO ay upang maiwasan ang
mga pasaway at hindi sumusunod sa batas trapiko.
ReplyDeleteIf you are looking for the Software Engineering Help assignment then in this case you can opt for our Economics Assignment Help.we provide the best Help with economics assignment.We also provide Public Economics Assignment Help for students across the globe. for more information contact us +16692714848.