Inna Carol
Zambrona, NEWS DEPARTMENT
Itinuloy ngayong araw ang demolisyon sa sampung
establisyemento sa Bolabog Boracay matapos mag expire na ang ibinibang
Temporary Restraining Order o TRO ng Aklan RTC Branch 7.
Nitong umaga, sa panayam kay Natividad Bernardino,
General Manager ng Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group,
ipinagpatuloy nila ang demolisyon matapos nag-isyu kahapon si Acting Mayor
Frolibar Bautista, ng Executive Order No. 038 na i-resume ang pagtibag.
Kung matatandaan, ang sampung residential at commercial
building ay nag request ng TRO sa Aklan RTC Branch noong Oct. 15 kung saan
kinatigan ito ng korte at pansamantalang pinahinto ang pag-giba ng 20-araw.
Sa kabila ng mga reklamo ng ilang may-ari ng
establisyemento, sinabi ni Natividad na wala silang magagawa kundi sundin ang
batas dahil nakitaan ang mga ito ng paglabag sa 25+5 easement.
Narito ang mga sampung pangalan ng mga establisyemento sa
Bolabog na binabaan ng demolition order: Aira beach front boracay hotel,
Ventoso Residences, Freestyle Academy, Kite Surfing School, Kite Center at
Banana Bay, Wind Riders Inn, Pahuwayan Suites, Lumbung Residences, Boracay
Gems, at 101, 107 of Seven Stones Boracay Suites.
No comments:
Post a Comment