Posted October 21, 2019
Inna Carol
Zambrona, NEWS DEPARTMENT
Photo (c) Aireen Dela Torre, MPGO
|
Kumpiyansa ang LGU Malay na mabubuksan na sa susunod na
taon ang Malay College matapos itong ma-aprobahan ng Sangguniang Panlalawigan
ng Aklan.
Ayon kay Alma Belejerdo, Chairman ng Technical Working
Group, papeles na lang sa CHED ang kanilang lalakarin at pwede na silang
tumanggap ng enrollees.
Masaya rin nitong ibinalita na may karagdagang budget na
ang school building na sa ngayon ay may 15 silid-aralan na pwedeng tumanggap ng
mahigit 300 estudyante.
Sa pagbukas ng Malay College, apat na taong kurso na BS
in Tourism and Hospitality Management ang kanilang handog sa mga estudyante.
Kaugnay nito, libre rin ang matrikula o tuition fee ng
mga Malaynon na mag-aaral.
Sa ngayon ay naghahanap na sila ng mga aplikante na guro
at school administrator para sa operasyon ng paaralan.
Ang Malay College ay nasa Balusbos, Malay, Aklan.
No comments:
Post a Comment