“Walang
kanselasyon ng mga water activity sa isla”.
Ito ang sinabi ni
Lieutenant Commander Marlowe Acevedo, PCG-Aklan station commander, sa kabila ng
nangyaring pagkalunod ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Force Team matapos
tumaob ang kanilang sinasakyang 20-seater dragon boat habang binabaybay kahapon
ang area ng Tulubhan Bay, Brgy. Manocmanoc.
Aniya, tuloy
parin at regular ang operasyon ng mga water sports at ibang mga aktibidad na
ginagawa sa baybayin ng isla ng Boracay.
Sa ginanap na
Incident Management Conference kahapon, napag-alaman na alon at hangin ang
dahilan ng paglubog ng dragon boat at walang suot na lifevest ang mga atleta.
Inirekomenda rin
ni Acevedo na magdagdag pa ng mga kagamitan sa rescue operation dahil hindi pa
umano sapat.
Dahil sa
pangyayari, payo nito sa iba pang dragon boat teams na nagsasanay ngayon,
kailangan isipin ang seguridad ng bawat isa, alamin ang lagay ng panahon bago
puntahan ang lugar, at makipag ugnayan sa mga concern agency.
Samantala, sa
pitong namatay, dalawang bangkay pa ang hindi nakukuha ng kanilang pamilya at
nasa pangangasiwa ngayon ng Malay Health Office at MSWDO.
No comments:
Post a Comment