Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Sisimulan sa susunod na buwan ang dry run sa direktang
pagkolekta ng basura sa mga establisyemento sa isla ng Boracay.
Ito ang napagkasunduan sa ginanap na public hearing ng
Sangguniang Bayan ng Malay na ni SB member Dante Pagsuguiron na
siyang nagbukas ng usapin sa plenaryo kasama sina Acting Mayor Frolibar
Bautista, Acting Vice Mayor NiƱo Cawaling, LGU Officials Stakeholders, Hotel
Owners, ECOS Sanitary Landfill and Waste Management Corporation, at iba pang
concern agencies.
Kung matatandaan, sa naging privilege speech ni
Pagsuguiron, nais nitong direkta ng sisingilin ang mga establisyemento upang
makatulong at mabawasan ang utang na kinakaharap ng Bayan ng Malay sa ECOS.
Sa panig ng ECOS, itong hakbang ay malaking tulong sa LGU
Malay dahil wala na silang babayaran sa oras na mapagkasunduan ang bagong
sistema ng koleksyon.
Isa rin umano itong paraan para matutukan ng mga
establisyemento na ma-segregate ng maayos ang kanilang mga basurang itinatapon.
Sa inisyal na pag-uusap, sampung piso kada kilo naman ang
singilan ng mga basurang makokolekta.
Samantala, ikukonsulta rin muna ng LGU-Malay sa COA kung
pwede ang ipapatupad na sistema ng bayaran o si LGU na mismo ang sisingil para
ipambayad sa ECOS.
Aprubado din sa mga stakeholders ang scheme at gagawin
ang dry run sa buwan ng Oktubre.
Kung maaalala, kapos ang P 60M na budget ng LGU Malay
para sa solid waste management kumpara sa P 93M na bayarin nito sa ECOS sa
unang anim na buwan ng taon.
No comments:
Post a Comment