Inna Carol
Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT
(ctto) |
Nais ngayon ni Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista na
pakuhanin muna ng “ Neuro-Phsycological Assessment and Evaluation Exam” ang
lahat ng aplikante bago tanggapin na maging miyembro ng MAP o Malay Auxiliary Police.
Sa panayam kay Bautista, marami umano siyang natatanggap
na reklamo kaugnay sa performance o trabaho ng ilang miyembro ng MAP.
May iilan na patambay-tambay lang at walang ginagawa at
karamihan ay walang kakayahan na gampanan ang kanilang tungkulin.
Aniya ang MAP ay frontliner ng isla kaya dapat sila mismo
ay alam ang mga ordinansa na dapat ipinapatupad sa buong bayan ng Malay.
Sinabi pa nito na kahit kaunti lang basta’t inaayos nila
ang kanilang trabaho ay wala siyang problema.
Aminado ito na may mga mga “political accomodation” na
nagyayari sa pagpili ng kawani sa LGU subalit mahalaga pa rin aniya na dapat ay
may kakayahan at kapasidad ang mga empleyado ng gobyerno.
Samantala, nauna ng sinabi at hinamon ni Bautista ang mga
nagta-trabaho sa LGU-Malay na mag “ Level Up” sa serbisyo dahil ito umano ang
susi para sa mas maunlad na Malay.
No comments:
Post a Comment