YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 07, 2019

Bagsak presyo ng ilang Travel Agency tinalakay sa Sangguniang Bayan

Posted June 5, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: living room and indoorNais paimbestigahan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron ang isang Travel Agency dahil sa nagbibigay umano ito ng bagsak presyo o mas mababang taripa sa mga turista.

Nag-ugat ang alegasyon sa sumbong ni Thomas Santiago, Presidente ng Chinese-Pilipino Community at tinukoy nito na isang Chinese National ang nagpapatakbo ng naturang travel and tour agency.

Sa kaniyang privilege speech, inihalimbawa ni Pagsuguiron ang presyuhan sa Helicopter Tour kung saan nasa P4,500 hanggang P4,900 ang rate subalit mahigit tatlong libo lang ang ino-offer ng nasabing agency na malayo umano sa taripa na dapat sundin.

Dahil sa komplikadong isyu, nais malaman ng Sangguniang Bayan kung akreditado o miyembro ng Boracay Island Travel and Tour Operators Association (BITATOA) ang inirireklamong agency.

Nais kasi ni SB Nenette Aguirre-Graf na huwag na itong idaan sa plenaryo at irefer sa committee level para maresolba ang isyu.

Samantala, sinangayunan ito ni SB Bautista na idaan ito sa Committee Hearing at suhestyon nito na imbitahan sa sususnod na sesyon ang Water Sports Activity Association.

Dagdag pa ni Bautista na hindi pwedeng basta-bastang magpababa ng tariff rate ang mga operators ng water sports at ilang tour operators hanggat hindi na-a-aprubahan ng BITATOA.

Kung maaalala, regulated ng LGU Malay ang lahat ng rate ng water sports at island activities sa Boracay.

Dahil dito, napagkasunduan na imbitahan sa susunod na sesyon ang presidente ng Travel and Tours na si Thomas Santiago at Russel Cruz ng Water Sports Association.

4 comments: