Pansamantalang binuksan ng DPWH ang STP Project ng TIEZA
sa Bolabog dahil sa naranasang pagbaha sa mga low-lying areas sa Boracay
kaninang madaling-araw.
“Binutas namin ang outfall ng TIEZA dahil hindi bumababa
at dumadaloy ang ang tubig ulan sa drainage”.
Ito ang pahayag ni DPWH Engr. Fritz Ruiz matapos
maranasan ng ilang residente sa Bolabog at Lying Inn area na pumasok na sa kanilang
mga bahay ang tubig baha dulot ng apat na oras na pag-uulan.
Dagdag pa ni Ruiz, kung hindi nila ito gagawin ay
siguradong babahain ang laketown area na ayon sa huli ay barado ang drainage
line sa lugar.
Marami kasing debris at mga basura na bumara sa manhole
na itinapon ng mga tao kaya nilinis nila ito para humupa ang baha.
Bago nito, binaha rin ang kalsada sa laketown area noong
ng Linggo ng madaling-araw.
Samantala, aminado si Ruiz na matatagalan pa bago matapos
ang tatlong outfall sa Bolabog na dadaluyan ng tubig-ulan subalit pag-uusapan
nila ito sa Inter Agency Task Force para magkaroon ng timeline lalo’t papasok
na ang panahon ng bagyo.
Kung maaalala, ang TIEZA ay naglaan ng mahigit P1-Billion
para malutas ang matagal ng problema sa baha sa Boracay.
Inaasahan na matatapos itong Phase II ng Boracay Water
Drainage Project ng TIEZA bago matapos ang 2019.
No comments:
Post a Comment