Posted February 4, 2019
Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Ito ang kinumpirma ni Al Orolfo, Deputy Ground Commander
ng Boracay Inter-Agency Task Force sa panayam sa kanya nitong Sabado.
Aniya, sa meeting na isinagawa ng Boracay Inter Agency
Task Group ay pinag-usapan at nakalatag na ang susunod na mga hakbang para
maipagpatuloy ang 20-kilometer road rehabilitation hanggang sa taong 2020.
Ang Phase II na may budget na P 300-Million ay posibleng
maumpisahan sa buwan ng Marso o Abril.
Sakop nito ang road rehabilitation magmula sa Elizalde
Compound hanggang City Mall at Crossing Rotunda hanggang Tambisaan Port.
Kaugnay nito, tinatapos nalang ng DPWH natitirang trabaho
sa Phase-I tulad ng mga sidewalks, paving blocks at manhole covers para
makumpleto na ito at magagamit na ng publiko.
No comments:
Post a Comment