Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS
DEPARTMENT
Inireklamo ng pagnanakaw ang isang menor de edad na
lalaki matapos tangayin nito ang isang cellphone sa loob ng boarding house sa
Sitio Lugutan Brgy. ManocManoc kahapon.
Kinilala ang nagrereklamong biktima na si Charina
Magarzo, 23 anyos ng Carugdog, Lezo Aklan at pansamantalang nanunuluyan sa
nabanggit na lugar.
Sa blotter entry ng Malay PNP, nagulat nalang umano ang
biktima na nawawala na ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang higaan.
Agad namang nagpatulong ang biktima sa kanyang mga
kasamahan at doon napag-alaman sa nakasaksi ng pangyayari na nakita umano nito
ang suspek na menor de edad na pumasok sa kwarto ng biktima.
Samantala, sa imbestigasyon ng pulisya napagalamang itinago
ng suspek ang cellphone sa toilet bowl na siya namang ikinasira nito.
Itinurn-over naman ang menor de edad sa Women and
Children Protection Desk (WCPD) ng Malay PNP para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment