YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 31, 2019

ASU-Malay Campus target mabuksan ngayong taon

Posted January 30, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 1 personMagandang balita, pino-proseso na ng Technical Working Group sa ilalim ng lokal na pamahalaan ang pagkaroon ng Aklan State University sa Malay.

Ito ang masayang ibinalita ni Hope Pagsuguiron, Malay SK Federation President nitong Sabado sa Boracay Good News.

Target na ma-establisa ang ASU Malay-Campus sa Barangay Balusbos ngayong taon.

Sa panayam naman kay Felix Delos Santos ng Malay Municipal Torusim Office at Vice Chairman ng Technical Working Group, kursong BS in Tourism at BS in Hospitality Management ang balak na i-alok sa mga magsisipagtapos sa senior high school.

Dagdag pa nito, mas madaling makahanap ng trabaho at hindi na mapapalayo oras na makapag-graduate dahil sa masiglang industriya ng turismo sa Boracay.

Kung maaayos na ang lahat ng mga permits, buwan ng Agosto ay pwede ng tumanggap ng enrollees ang ASU-Malay kung saan maglalaan ng slots sa tatlumpo hanggang apatnapung estudyante sa bawat kurso na may tig-tatlong section.

Sa ngayon, ayon kay Delos Santos pino-proseso na nila ang mga dokumentong isusumite ng sa gayun oras na maaproban ito ng CHED ay handa na ang kanilang building na papasukan ng mga estudyanteng mag-e-enroll.

No comments:

Post a Comment