Bilang konsiderasyon sa mga bar, restaurant, at maliliit
na hotel na hindi aabot sa limang kwarto, papayagan na sila ng DENR na
mag-operate kahit walang STP o Sewage Treatment Plant.
Ayon sa Memorandum na inilabas at pinirmahan ni DENR
Secretary Roy Cimatu, papayagan silang hindi na magkaroon ng individual o
clustered STP basta sumunod sa panuntunan at kondisyon na ilalabas ng EMB
Region-6.
Narito ang mga dapat sundin at gawin:
1. Kailangang kumuha ng Discharge Permit mula sa
Environmental Management Bureau (EMB) Region 6 at isaad ang volume at kalidad
ng wastewater na ilalabas.
2. Paglalagay ng pre-treatment facility tulad ng grease
trap, istraktura at sistema para sa paglilinis ng tubig, flow measuring device,
at lugar na pwedeng tingnan sa tuwing may inspeksyon ang EMB. Lahat ng ito ay
mga kondisyon bago bigyan ng Discharge Permit.
3. Sa mga konektado sa sewer line ng BIWC, kumuha ng
Certificate of Exemption na isang requirement sa Discharge Permit at RA 9275 o
Clean Water Act. Hihilingin ito sa lahat ng mga establisyemento na konektado sa
sewer line ng BIWC.
Samantala, inatasan na ang EMB Region-6 na magsagawa ng
inspeksyon sa mga restaurant at maliit na hotel malapit sa front beach para
alamin kung may espasyo ang mga ito para sa STP bago bigyan ng certification.
Bago nito, nakapaglabas na ng hiwalay na Memorandum
Circular ang DENR na inaatasan ang lahat na hotel na may 50-rooms pataas na
maglagay ng sariling STP habang clustered STP naman sa mga maliliit na hotel.
Paalala ni Atty. Richard Fabila ng CENRO Boracay, sundin
ang mga panuntunan ng ahensya para payagang makapag-operate sa re-opening ng
Boracay sa Oktubre.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation
No comments:
Post a Comment