YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 19, 2018

Bangkay ng isang lalaki natagpuan sa wetland area ng Manocmanoc

Posted July 18, 2018
Boracay Island - Isang bangkay ang nadiskubre nitong Miyerkules ng umaga sa wetland portion ng Sitio Ambulong sa ManocManoc matapos itong ipaalam ng isang concerned citizen sa mga otoridad.

Image may contain: one or more people, outdoor, nature and water
Photo Credit - PO1 URETA, PNP
Sa pagdating ng rumespondeng pulis, tumambad sa kanila ang isang bangkay ng lalake na tinabunan ng mga sanga at dahon ng nipa na kalaunan ay kinilala ng kapatid dahil sa kaniyang kasuotan.

Ang bangkay ay kinilalang si Donie Manuel, 49-anyos ng Sta. Fe Romblon at pansamantalang naninirahan at nagtatrabaho bilang construction worker sa Sitio Tulubhan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay PNP Sub-Station, ayon sa nagpakilalang witness na si Sadam Nacionales Y Sta. Maria , noong nakaraang Sabado ng madaling araw ay ikinuwento sa kanya ng suspek na meron itong pinatay at itinapon umano nito ang bangkay malapit sa kanilang bahay.

Sinabihan pa umano siya ng suspek na “Kun hindi ka magpati ayani bala to”, at ng makita ng witness ang bangkay ay binantaan umano ito na siya ang isusunod kung magsusumbong sa mga pulis.

Sa pagtatanong ng otoridad kay Nacionales, ang suspek ay si Glemer Escasulatan y Pagayunan, 25-anyos, taga Dao Capiz at pansamantalang naninirahan sa nasabi ring lugar.

Samantala, ayon sa kapatid ng biktima, noong Sabado pa ito nawawala at nagtataka ang mga kasamahan nito dahil hindi na ito pumasok sa kaniyang pinagtatrabahuan.

Ang bangkay ng biktima ay isasailalim sa Postmortem Fingerprinting para malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang itinuturong suspek para mapanagot sa ginawang krimen.

#YesTheBestBoracayNEWS

No comments:

Post a Comment