Inna
Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Ito ang pahayag ni Regional
Director Rebecca Geamala sa isinagawang press conference kaninang umaga habang
nakapila ang first batch ng mga benepisyaryo na tumatanggap ng “Livelihood Assistance”
sa ManocManoc Covered Court.
Sambit ni Geamala, “hindi namin
pababayaan na hindi magtagumpay” ang nasa 1, 323 na binigyan nila ng tulong
pinansyal ng nagkakahalaga ng P 15, 000 na gagamitin sa pinili nilang
pangkabuhayan.
Dagdag pa ni Geamala, hindi matatapos
ang buwan ng Hunyo nasa labing isang libo pa ang target nilang mabigyan ng
pinansyal na tulong.

Ang DSWD ay may kabuuang P 280 million
para sa programang ito at target na maalalayan ang mga apektadong residente
dahil sa anim na buwang rehabilitasyon.
Sa ngayon, para oraganisado ang
pamamahagi ng LAF o Livelihood Assitance Fund sa bawat Barangay ay ipinapaalam
sa mga benepisyaryo kung kelan ang schedule nila para ma-avail ito.
Samantala, ang mga hindi na-profile ay
binibigyan pa rin ng pagkakataon ng mag Barangay na magpalista sa kanilang mga
opisina.
#YesTheBestBoracayNEWS
#LivelihoodAssistanceFund
#BoracayClosure
No comments:
Post a Comment