Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Bineberipika pa ng Department of Environment and Natural
Resources DENR kung kaninong tubo ang naglalabas ng marumi at masangsang na
amoy sa dalampasigan ng Station 2 Boracay.
Sa panayam kay Atty. Richard Fabila, Officer-in-Charge ng
local Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) DENR-Boracay,
ini-imbestigahan na ng kanyang opisina kasama ang Environmental Management
Bureau-EMB kung kanino itong anim na pulgadang pipe na naglalabas ng maruming
tubig na hinukay ng grupo nitong nakalipas na araw.
Nabatid na bago nito, isang kawani umano ng Lokal na
Pamahalaan ng Malay na nagbibigay ng Demolition Order ang nag-report sa kanya
na ito ang kanilang nadatnan sa lugar.
Kasama ang mga tauhan ng Department of Public Works and
Highways (DPWH) hinukay nila ang mga wala pang isang dipang lalim ng buhangin
at doon tumambad sa kanila ang tubo na nakitaan ng bayolasyon.
(c) ABS-CBN |
Kahapon, nagsagawa na ng water sampling ang EMB Office
para malaman ang kalidad ng maruming tubig na lumalabas na may paglabag sa
"Clean Water Act" para matukoy kung saan ito galing.
Dagdag pa ni Fabila, sa pamamagitan umano ng Pollution
Adjudication Board dito malalaman ang resulta sa isasagawang laboratory test at
dito ibabase ang bayolasyon na ipapataw sa may-ari na nagpapalabas ng maruming
tubig papuntang white beach ng Boracay.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayClosure
#BoracayRehabilitation
http://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_74.html
ReplyDeletehttp://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_37.html
http://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_50.html
http://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_84.html
http://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_85.html
http://moving-furniture-in-riyadh2.blogspot.com/2018/05/blog-post_15.html