YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 20, 2018

Boracay Command Center nanganganib na ipatibag ng DENR

Posted March 19, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nanganganib na mapasama sa mga titibagin ang Command Center pagkatapos na kinumpirma ni DENR Region 6 Director Jim Sampulna na sinilbihan nila ito ng Cease and Desist Order.

Ang dalawang  na istraktura na proyekto ng LGU-Malay at kasalukuyang ginagawa ngayon sa Station2 beachline ay lumabag umano sa 25+5 easement rule.

Ang batas aniya ay kailangan ipatupad sa lahat at walang exemption kahit government project pa ito.

Itong dating command center ay sinira at pinundohan para gawin itong dalawang palapag kung saan ang 2nd floor ay magsisilbing opisina ng MDRRMO habang public toilet naman ang sa ibabang bahagi.

Sa panayam naman kay LGU Malay Executive Assitant IV Rowen Aguirre, wala umano silang magagawa kundi sundin ang kautusan ng DENR na itigil ang construction at ipasara ito.

Ani Aguirre, sa ngayon problema nila ang pagtatayuan muli ng Command Center dahil wala silang area na paglalagyan nito.

Samantala, sa usapin ng “total closure” ng isla, hindi sumangayon si Aguirre sa ginawang rekomendasyon ni DENR Secretary Cimatu dahil pwede naman aniya isailalim ang isla sa rehabilitasyon upang maresolba ang mga nakitang dapat ayusin na walang  pagsasara.

Bukas araw ng Martes, nakatakdang pumunta si Sampulna sa Boracay dahil target nila ngayon na maayos ang problema ng drainage outfall sa Bolabog Beach.

No comments:

Post a Comment