Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Bago matapos ang taon,
masayang ipinaabot ng opisina ng Municipal Tourism Office (MTour) Malay na
umabot sa dalawang milyon ang kanilang naitalang tourist arrival para sa taong
2017.
Patunay lamang
ito ayon sa MTour na hindi naging hadlang sa mga turista ang kahit anumang
kalamidad na dumaan dahil mas pinili parin nilang magbakasyon sa isla ng
Boracay.
Base sa record,
nakapagtala sila ng 1,052, 975 bilang ng mga foreign tourist habang umabot
naman sa 906,939 ang domestic tourist at 42,060 sa mga OFW’s.
Sa pagtapos ng
taon nakapagtala ng kabuuang 2,001,974 ang Malay Tourism Office na may 16% na
pagtaas kumpara sa nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment