Posted January 15, 2017
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Maglalaan umano
ngayon ng 1.16 Billion na budget ang Department of Tourism sa pagpapa-ayos ng drainage system sa isla
ng Boracay.
Ito umano ang ipinangako
ni Tourism Secretary Wanda Teo sa ginawang pulong noong nakaraang Martes ayon kay SB Committee on Environment
Protection Chairman Nenette Aguirre-Graf.
Ang budget umano ay
magmumula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o (TIEZA)
katuwang ang Department of Environment and Natural Resources.
Ani Graf, kasama rin
sa pagtutu-unan ng pansin ang mga lugar na may “NO BUILD ZONE” sa isla dahil
posibleng may mga nakatayo ng straktura o establisyemento dito.
Nabatid sa
nakalipas na taon ay aprobado na ang P 760 Million na budget para sa drainage
project ng isla habang ngayong 2018 naghahanap ang TIEZA ng mag-aaproba para
naman sa karagdagang P 400 Million na budget
upang makompleto na ito bago matapos ang taong 2019.
Matatandaang una
nang sinimulan ang Phase I ng drainage system noong 2014 at susunod naman nitong
aayusin ay ang Phase II na kung saan ngayon taon umano ito sisimulan.
Noong nakaraang linggo
ay nag aerial-inspection sina DENR Secretary Roy Cimatu at DOT Secretary Wanda
Tulfo-Teo para makita ang sitwasyon sa Boracay bago nakipagpulong sa mga
stakeholders kasama sina Aklan Governor Joeben Miraflores at Malay Mayor
Ceciron Cawaling.
Umaasa naman ang
mga stakeholders at residente sa Boracay na itong hakbang ng dalawang ahensya
ay maisasakatuparan sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment