Posted August 15, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Photo Credit: Boracay PNP |
Pinalakas ng Municipal Social Welfare and Development
Office (MSWDO) ang kanilang kampanya kontra Human Trafficking sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Madel Dee Tayco-Schoenenberger ng Malay Municipal
Social Welfare Development Office o (MSWDO), patuloy umano ang kanilang
ginagawang information dissemination patungkol sa Human Trafficking partikular
sa mga kabataan.
Sa katunayan aniya, nitong Sabado ay nagkaroon sila ng
orientation sa mga bata sa Ati Village kung saan tinalakay nila dito ang R.A.
7610 o "Special Protection Against Child Abuse, Exploitation,
Discrimination and Other Purposes" and Anti-Bullying.
Dagdag pa ni Schoenenberger, sa paraang ito ay
maipaparating nila ang kahalagahan nito at kung paano ito maiiwasan.
Target din umano nila na walang maitalang kaso ng Human Trafficking
ang isla dahil ngayong taon umano ay wala silang nai-rekord nito kung saan lahat
ng eskwelahan sa bayan ng Malay ay nakatakda nilang pasukin para sa kampanyang ito..
Samantala, kasama
ng MSWDO ang ECPAT Youth and Children Advocates (EYCA) katuwang ang Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) at Kabalikat Civicom-Boracay Chapter.
Kaugnay nito, ngayong Linggo ay ipupulong naman nila ang
mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4P’s) para mabigyan ng
kaukulang impormasyon tungkol sa Human Trafficking.
No comments:
Post a Comment