Posted May 29, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Pahayag ito ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang
kaugnay sa naging puna ng mga konsehal hinggil sa isyu ng “No ID, No Entry”
nitong Martes sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Malay.
Ani Maquirang, haharapin niya umano ang imbitasyon ng mga
konsehal upang maipaliwanag din sa mga ito kung ano ang mga nakapaloob sa
revenue codes na dapat i-implementa.
Dagdag pa ni Maquirang, mandatory ang “ No ID, No Entry”
at kinu-konsidera din umano dito ang mga Aklanon, Malaynon na kahit walang ID
ay pwedeng makapasok.
Kaugnay naman umano sa nagsasabi na dapat lahat ng
nagta-trabaho sa port ay Malaynon, aniya hindi umano niya basta-bastang mapaalis
ang mga empleyado doon dahil may endorsement ito mula sa ilang Mayor at mga Barangay
Officials dito sa Aklan.
Nabatid kase na pinag-usapan itong isyu ng mga konsehal
ito’y dahil kahit Aklanon umano ay kinakailangan pang hanapan ng ID para lang
makapasok sa naturang port.
Dahil dito, mismong ang mga konsehales ay nagpalabas din ng
kanilang saloobin kung saan nga isang SB Member ang nagsabi na hindi daw maganda
ang pakikitungo ng ilang staff sa nasabing pantalan.
Samantala, bukas araw ng Martes ay haharapin ni Maquirang
ang SB upang ipaliwanag ang polisiya na ipinapatud ng Caticlan at Cagban Jetty
Ports.
No comments:
Post a Comment