Tuesday, January 17, 2017

Senator Sherwin Gatchalian, nanalangin sa Sr. Santo Niño na magkaroon ng lovelife

Posted January 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sherwin gatchalianBinuking ngayon ni Kalibo Mayor William Lachica, ang naging panalangin umano ni  Senador Sherwin Gatchalian kay Sr. Sto Niño de Kalibo.

Ayon kay Lachica, ang magkaroon lovelife ngayong taon ang naging panalangin ni Sen. Gatchalian.

Nabatid na isa si Gatchalian sa mga VIP’s na nakisaya sa selebrasyon ng Santo Niño Ati-atihan 2017.

Kaugnay nito, naniniwala umano ang Senador sa himala na dala ni Santo Niño dahil noong nakaraang taon ay nanalangin ito na siya ay manalo sa pagka-senador kung saan nga nitong nagdaang eleksyon ay nanalo ito.

Kung matatandaan, wala pa umano itong kasintahan matapos ang kanilang hiwalayan ng dating kasintahan na si Pauleen Luna.

No comments:

Post a Comment