Monday, January 09, 2017

Hotels at mga pension houses sa Kalibo, punuan na para sa Ati-Atihan festival

Posted January 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi)Ngayon pa lang ay punuan na ang mga hotel sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2017 bilang pakiki-isa sa kapistahan ni Sr. Santo Niño.

Ayon kay Albert Meñez, chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (Kasafi) halos lahat na ng hotel sa nasabing bayan ay naka fully booked na dahil sa marami na ang nagpa-reserve na mga turista at mga balikbayan.

Kasabay nito, ini-engganyo niya rin ang mga residente na magkaroon ng “home stay” o paupahan sa kanilang bahay para sa mga turistang walang matulugan.

Samantala, inaasahan naman ni Meñez na bubuhos pa ang mga turista sa kapistahan ni Sr. Santo Niño ito’y dahil kasabay ng selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival ang pagbisita ng Miss Universe Candidates.

No comments:

Post a Comment