Posted December 30, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Boracay PNP |
Panibago na namang grupo ng mga Badjao na pagala-gala at
namamalimos sa isla ng Boracay ang dinampot ng mga otoridad kahapon.
Ito ay sa pinagsamang pwersa ng Municipal Social Welfare
Development Office (MSWDO) Boracay, Malay Auxiliary Police (MAP), Boracay PNP
at Tourism Regulatory Enforcement Unit.
Ilan sa mga nahuli ay ang mga namamalimos sa area ng D’Talipapa
kung saan dagsa ang maraming turista at sa harapan ng D’Mall kung saan makikita
naman ang buhos ng maraming tao.
Sa tulong naman ng mga kinauukulan ay dinala ang mga ito
sa mainland Malay kung saan dinadala ang mga nadadampot na Badjao sa Boracay
upang matulungan ding maiuuwi sa kani-kanilang mga lugar.
Nabatid na layun ng MSWDO at ng Boracay PNP na masugpo
ang mga nasabing Badjao sa isla dahil sa nagiging eyesore ang mga ito sa mga
turista kung saan namamalimos din ang mga ito.
No comments:
Post a Comment