YES THE BEST 911 BORACAY

Sunday, February 15, 2015

Diwa ng Valentine’s Day, ramdam sa Boracay

Posted February 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

‘All set ang date’ para sa mga magsing-irog sa Boracay na talagang nais gawing espesyal ang kanilang Valentine’s Day.

Dahil ito sa iba’t-ibang gimik ng mga resort at establisemyemto sa isla na talagang gumawa ng paraan upang maramdaman ang diwa ng Araw ng mga Puso.

Halimbawa na lamang dito ang ilang resort sa long beach na naglagay ng libreng 'Kissing Booth' para sa mga magsyota o mag-asawang nais magpalitrato.

May gumawa din ng hugis-pusong kissing booth sa D’mall na nagpangiti sa mga turistang dumadaan.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang sikat na bakeshop sa Boracay dahil sa ginawa nilang hugis-pusong chocolate cake.

Ayon kay “Edgie” ng Julie’s Bakeshop, may libre nang ‘heart’ stick ang kanilang chocolate cake sa halagang P300.00.

Ayon naman sa ilang restaurant sa D’mall, mas magandang maramdaman din ng kanilang mga customer ang once a year na Valentine’s Day, kung kaya’t nag-set up sila ng candle light dinner para maging romantic umano ang dating.

Kaugnay parin nito, ikinatuwa naman ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay na marami ang dumalo kagabi sa kanilang ginawang ‘Date with the Lord’ na dinaluhan din halos ng mga kabataan.  

No comments:

Post a Comment